Current Article:

Bakit mo sinanay kung bigla mo rin palang iiwan?

Categories Relationships

Bakit mo sinanay kung bigla mo rin palang iiwan?

Sinanay mo ko na palagi kang andyan sa oras na kailangan kita. Nakilala ko kung sino ka. Hinayaan mo kong alamin ang mga hilig mo, ang mga kilos mo. Naging totoo ka din naman kahit papano at dahil dun alam mo ba na di ko namamalayan sayo pala’y nahulog na ng tuluyan. At ngayong ika’y di na nagpaparamdam, ako’y labis na nasasaktan. Dumating ka pala sa di ko inaasahang pagkakataon at aalis din ng ganon-ganon. Ganon kadali at para sa’kin hindi madali ang kalimutan ka. Hindi man tayo nagkikita, malayo man sa isa’t-isa, ikaw pa rin ang iniisip sa twina. Bakit mo kasi ako sinanay? Bakit mo pinaramdam na espesyal ako kung aalis ka din naman pala?Bakit kasi ako umasa at nagpakatanga? Ngayong nawala ka na parang bula, sino ang talo sating dalawa? Ako. Ako diba? Palagi lang namang ako eh. Wala pa akong napanalonang sugal. Next time sana pag sumugal ako ulit, ako naman yung manalo. Pagod na din naman kasi ako. I’m always been like this and I don’t wanna be like this forever.