Sa bawat pagpatak ng ulan
Naaalala ko ang nakaraan
Kung saan kasama kita’t nahahagkan
Magkayakap dahil sa lamig na dulot ng ulan.

Ngayon ika’y wala na saking tabi
Wala nang magbibigay ng init sa bawat gabi
Naisin ko ma’y ‘di na maibabalik ang dati
Pero katulad ng ulan di kita masisisi.

Katulad ng ulan na hindi mo alam kung kailan papatak at titila
Dumating ka nalang ng kusa
Ngunit hindi ko napaghandaan ang iyong pagkawala
Ngayon hindi ko alam kung hanggang kailan magdurusa.

Umalis ka kasabay ng pagpatak ng ulan
Kasabay ng aking mga luhang pumapatak na tila nag-uunahan
Kinuha ka na Niya ng tuluyan
Bakit ako’y iyong sinukuan?

Masakit man ngunit sa pagtila ng ulan alam kong may bahagharing naghihintay
Nakadungaw kung saan ka nakahimlay
Pag-ibig ko sayo ang aking alay
Alam kong magkikita pa tayong muli sa kabilang buhay.