Ako’y nahulog sa’yo.
Nahulog sa mga salita mo
Nahulog sa mga pagpapakilig mo
Nahulog sa pag aalala mo

Sinabihan ang sarili na huwag magpapaloko
Dahil baka ito’y isa lamang biro
Ngunit inaamin kong ako’y naging marupok
At nagpadala sa pusong tumitibok.

Inaaming hindi ko nabantayan ang aking puso,
Ngunit salamat sa banal na espirito
Nagpaalalang ito’y hindi kasama sa Kanyang plano
Kaya naman marapat ng ito’y ihinto.

Sapagkat Ito pala’y isang bitag
Na pag tayo’y lalong  nabihag
Puso’t kaluluwa’y  mabibitay.