“Everyone deserves a second chance even yourself” -Aeman

“BUKAS”

Ang salitang mag-isa parang pinanindigan ko na.
Nag sawa sa mga relasyong puro dulo ang umpisa.

Mga kwentong binuo para mag wakas.
Mga sakit na tila walang lunas.
Mga salitang kahit kelan hindi mo na-bigkas.
Hangang dumating tau sa hindi natatapos na bukas.

Bukas kaya ko na siguro?.
Bukas siguro may milagro?
Baka bukas ang pag-babalik mo
Ohh baka bukas tangap ko na….
na wala ng tayo.

Pinipilit na hindi eto.
Hindi eto ang dulo.
Alam ko kasing bukas “na may ikaw at ako” Pero malabo nang maging totoo tong kahibangan ko.

Sa aking pag iisa nalaman ko na ang pag-ibig ay hindi laging masaya.
Kailangan mo pagdaanan lahat ng sakit at bullshit nyang dala.
Isa syang sugal na walang kasiguruhang tatama
At hindi ka mananalo kung d ka marunong tumaya.

Sumugal sa buhay tinaya pati pamato
Parang pelikulang hinintay ang mga susunod na tagpo
Sana dumating ang bukas na iba sa kahapon
Iba sa mga araw na nilimot ko’t binaon

At dumating yung bukas na makikilala ka
Yung bukas na may luhang galing sa saya
Yung bukas na hindi na kailangan habulin pa
Kasi bukas may nag hihintay na “sya”.
Sya na kasama ko sa mga bukas na dadating pa.
Sya na pupunas ng luha at mag bibigay ng saya.
Salamat sa walng hangang bukas at sa mga susunod pa.
Ng dahil don natagpuan kita.