Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Akala ko wala na,

Akala ko tapos na,

Akala ko masaya na ako na masaya ka,

Pero bakit lahat nag iba noong muli kitang nakita.

 

Ilang taon na lumipas diba,

Nagkaron ng sariling mundo na malayo sa isat isa,

Mga usapang dati na balewala,

Nagging makahulugan sa muling pagkikita.

 

Tama na, ayaw ko na bago pa may masaktang iba,

Itatago ang pagmamahal na nadarama,

Pilit na papatayin ang feelings na hindi tama,

At iiwan nalang sa puso at utak ang masasayang memorya na ika’y kasama.

 

Totoo, ako’y masaya para sa iyo,

Kahit na walang tayo,

Kung mayroon lamang pagkakataon paulit ulit, pipiliin kong maging tayo,

Pero sa ngayon at sa susunod pang mga taon, gusto kong hanggang wakas ay maging kayo.

 

Sa pangarap ika’y akin, sa puso ko ikaw ay natatangi parin,

Salamat sa ligaya kasama ka, malayang malaya ka na.

Nakabaon sa puso ko ay ikaw, ngunit handa naring magmahal muli, di lang ikaw.