Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

“BUNGA NG PANALANGIN”

Naiinip ka na ba?
Yung tipong jowang-jowa ka na.
Sa tingin mo handa ka na,
Pero wala pa rin si “the one” ika-nga.

Lord kailan mo ba siya ibibigay?
Ang tagal di tuloy ako mapalagay.
Lord ilang taon pa ba akong maghihintay?
Siguro tatanda na lang ako habang buhay.

Minsan napepressure ka na,
Halos lahat ng kaibigan mo may asawa o nobyo/nobya.
Pero ikaw nasa linyahan ka pa rin ng mga single,
Wala pa ring ka-mingle.

Alam mo sister/brother,
Kahit na wala ka pa ring ka-partner.
Huwag kang malungkot,
Dahil tapat ang Diyos kaya ‘wag kang matakot.

Ang lahat ng bagay ay pinaghihirapan,
‘Di lahat ay nakukuha sa madalian.
Kailangan mo muna itong paghandaan,
Kaysa mapunta ka sa taong ‘di naman sa’yo nakalaan.

Bilog ang mundo,
Kaya alam kong may isang tao na para sa’yo.
Hindi man kayo pinagtagpo sa ngayon,
Darating din yung araw na paglalapitin kayo ng panahon.

Maaaring nagkita na kayo,
Pero baka hindi pa oras ninyo.
Maaaring panahon mo na,
Pero sa maling tao ka napunta.

Kaya huwag kang magmadali,
Hayaan mong si Lord ang pumili.
Alam Niya ang the best na para sa’yo,
Kaya dapat ipagkatiwala mo sa kanya ito.

Kung hindi pa hinog ang bunga,
Huwag mong pilitin itong makuha.
‘Pagkat ito’y bubot pa,
Mapakla o mapait ang lasa.

Kaya kung ako sa’yo,
Ingatan mong mabuti ang puso mo.
Hintayin mo yung taong araw-araw kang pipiliin,
‘Pagkat masarap mahalin ang taong BUNGA NG PANALANGIN.

~Isaiah 60:22~
When the time is right, I, the Lord, will make it happen.