Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Maraming salita ang gusto kong marinig galing sayo
Wag na yung “I love you” mahal, tipikal na yon
Maraming effort din ang gusto kong manggaling sayo
Wag ka na magpost about satin sa social media, mainstream na yon

Dahil para sakin hindi sukatan ang “I love you” at social media
Hindi sila sapat para sakin mahal, kaya masasabi ko pasensya
Pasensya dahil higit pa doon ang ninanais ng tulad ko
Gusto ko lang talaga maramdaman na minamahal mo ako

Pero mahal, kahit na ganito pa man ako, higit ang hinihingi sayo
Gusto ko sabihing “buo ang loob ko sa ‘yo”
At tulad nang kung gaano ka-buo ang loob ko
Katumbas din sana non yung sinabi mong “ganito ako ka-sigurado… sayo”

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


((Photo 穢: Facebook))

Send me the best BW Tampal!

* indicates required