Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Pinili kita

Sa una pa lang pinili na kita.
Piniling kawayan at batiin.
Piniling lapitan at kausapin
Piniling samahan at kilalanin. Hanggang sa di ko na namamalayan
Pinili na kitang mahalin. Kahit di ko pa alam kung ano ang mararating
Ng pilit kong tinatagong pag tingin.

Pinili kita kahit di mo pa ko pinipili
Pinili kita kahit di ko alam kung saan ako dadalhin
Ng aking damdaming nagmamahal ng palihim

Biglang umihip ang hangin. Tumingin ka sa akin. Biglang umayon ang tadhana. Ako ay iyong nakita.

Hanggang sa di naglaon, pinili mo din ako. Piniling maging sayo.
Nagkasama tayo sa saya at gulo.
Nakipagsapalaran sa mundong ito.

“Kaya kahit anong mangyari ay pipiliin pa rin kita”

Pipiliin kita dahil hindi ko na kayang mawalay pa.
Pipiliin sapagkat ikaw ang nagpapasaya.
Ang aking lakas sa bawat umaga.
Ang aking mahal, ang aking biyaya.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required