Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sugal

Sa unang pagkakataon tataya ako.
Tataya ng kakarampot pagkat hindi pa totoo.
Tataya sapagkat gustong makasigurado.
Na may babalik kapag may ibinigay ako.

Sa pangalawang pagkakataon pipilitin manalo
Susubukang muli. Bibilangin ang pamato.
Susugal ng mas malaki kaysa sa na una.
Ngunit hindi pa rin buo pagkat may alinlangan pa.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


At sa oras na ikaw ay natutuhan na
At nagiliwan sumugal pa….

Isusugal ko na ang lahat ng natitira
Magbabaka sakaling mapasaakin ka.
Ilalaban hanggang sa dulo kahit walang makuha.
Ilalaban ang salitang mahal na mahal kita.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required