Chance Hindi Chances
Categories Relationships

Chance Hindi Chances

Akala mo lang madami kase readable as ‘chans’..
Pero kase di ba, if the word ends with letter ‘e’ add ‘s’ to make it plural.
Unlimited na nga Chances pa.
Ano yun? Mukang redundant.
Use it wise naman.
Napatunayan kong walang unlimited chances besh.
Kasi kung meron, hanggang ngayon maraming Hindi bumibitaw.
Baka ngayon, pati ako hindi pa bumibitaw.
Baka Hindi ko nasusulat ang mga salitang to.

Nasasabi mo lang na unli chances na yung binigay mo kasi paulit-ulit kang nagpatawad at paulit-ulit ka din binigo.

Chance
Iba yun sa Chances
Wag mong hayaan na magkaron ng Chance yung Chances sa pagitan nyong dalawa.
Pag binigyan ka ng pagkakataon do whatever it takes para hindi na dumalawa pa.
Trust ang puhunan dito, hindi pera.
Di ba nga sabi n Angelica P. ‘Ang pera natin hindi basta basta nauubos pero ang pasensya ko konting-konti na lang!’

Wag mong hayaan na dumating sa point na parang give away na Lang yung chance na binibigay sayo.
Diba nga kaya give away na yan, bale wala na, parang excess na Lang kaya pinamimigay na lang hanggang sa maubos. Parang wala ng value eh.
Hindi SALE ang Chance, na 70% off, 80% off, yung tipong sasabihin mong ‘MAGSE-SALE PA NAMAN YAN EH’
Besh hindi pwede yung ‘MAHAL NAMAN AKO NYAN EH, I’M SURE PAPATAWARIN NYA AKO ULIT’

Limited Edition ang Chance na binibigay sayo.
Once in a lifetime.
Parang organizer or notebook sa Starbucks na makukuha mo lang pag nakumpleto mo yung stickers tapos next year ibang notebook naman ang ilalabas nila.

Isa lang ang chance mong ayusin ang sarili mo para sa taong mahal mo.
Wag mong hayaan maging parang germs na lang yang kagaguhan mo na mai-immune na kang siya kaka-patawad sayo.
Hanggang sa maupos na lang siya.
Hanggang sa wala na.
Wala ng chance…
Kahit pa umiyak ka at maghabol sa daan, antayin kung lilingon siya pabalik sayo at lalapitan ka gaya ng ginagawa Niya dati.
Kahit pa ilang ulit mo sabihin na ‘magbabago na ako’, wala na.
Tanga! Pustahan tayo yan din yung sinabi mo noong unang beses na nahuli ka niyang nagloko o unang beses mo siyang nasaktan.

Tanga! Kahit yung kaliit-liitan mong kasalanan matatandaan niya once na maubos na ang pasensya at amor niya sayo.

Diba hindi unlimited ang chances?
Kasi kung unli yan, lahat tayo mag e-end up sa unang taong minahal natin pero unli din tayong sinasaktan.

CHANCE
Salitang sa una pa lang ng relasyon hindi dapat magkaroon ng lugar.
Hindi pwede yung magbabago ka pag nakasakit ka na.

CHANCES
Salitang ibig sabihin maraming beses mo ng sinaktan yung taong totoo sayo.