Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Nung una tayong nakikita-kita puso ko’y kumakabog sa kaba
Baka tingin niyo sa akin ay isang suplada
Pero ako ay nagulat pala kaibigan kayo pala

Lumipas ang araw, buwan at taon na hindi natin namamalayan
Kayo ay aking lubos na nakilala at naging kaibigan
Ako’y nag papasalamat sa masaya nating samahan

Dahil ito na ang huling taon na tayo’y magkakasama susulitin ko ang araw na natitira
At sa araw na tayo ay magtatapos na
Babaunin ko sa aking pag alis ang masaya nating alaala

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required