Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Crush kita kahit di pwede, Di pwede kasi ang bata ko pa kumpara sayo. Pero bawal ba talaga yun? Kahit 4 years lang naman? Pero di naman talaga edad ang mali satin. Teacher kita student mo ko.

Nung una, di naman kita napapansin kahit araw araw pa kitang makita. Kahit na makulit ka na nun. Kasi normal lang naman ang makulit sa klase eh diba?

Ehh nagpapansin ka sakin, eh syempre teacher kita kaya nagpapansin na din ako sayo. Ayan tuloy lagi ko na inaabangan mga kakulitan mo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Lalo na nung nagsimula na tayong magkausap tungkol sa mga bagay bagay na hindi tungkol sa lesson natin.

Pareho kasi tayong galing sa long term relationship na nauwi rin sa hiwalayan. Punong puno ka ng mga hugot lines. Haha nakakaaliw ka pakinggan.

Minsan, serious ang topic kaya serious ka din. Ang cute mo kapag biglang serious talk na. Pero mas cute ka kapag puro pagpapatawa ang alam mo. Ang babaw lang kasi ng tawa ko kaya laging benta jokes mo sakin.

Dahil madalas tayong mag-usap, nalaman ko na mama’s boy ka hehe, naniniwala sa seryosong relasyon at mahilig kang makinig sa music.

Sigurado akong hindi tayo pareho. Hindi mo ako crush, sadyang friendly ka lang talaga. Alam mo kung paano ko nalaman? Nakita ko kasi yung wallpaper ng phone mo accidentally. Picture ng isang babae, na sure akong hindi ako.

Pero kahit ganun, ayos lang yun. Inaabangan ko pa rin mga jokes mo at mga linyahan mong puro hugot. Pero alam kong kailangan ko na mag-ingat haha baka kung saan pa ako dalhin ng feelings ko, ako lang ang masaktan.

Pero habang mababaw pa, masaya ako na nakilala kita. Pinasaya mo itong semester na to. Sana kaya ko masabi sayo balang araw na—crush kita ❤️


Send me the best BW Tampal!

* indicates required