Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Matagal mo na ba hinihintay si the right one? Oo? Pareho pala tayo.

Pagod ka na ba maghintay? Medyo? Nakakapagod, noh? Kasi hindi mo alam kung hanggang kailan maghihintay.

Kaya mo pa ba siyang hintayin? Hindi na ata?

Bakit naman? Sa tingin mo ba hindi ka rin niya hinihintay? Sa tingin mo ba hindi ka niya hinahanap?

Darating ang panahon na magtatagpo rin ang landas niyo. Sana hindi ka mawalan ng pag-asa. Kasi baka sa pagdating niya, wala ka na. Paano na siya?

Kumapit ka lang. Makikita mo rin siya. Mayayakap. Mahahalikan.

Minsan, nakakapagod talaga. Nakakawala ng pag-asa lalo na kapag nakikita mo ‘yong lahat ng tao sa paligid mo na masasaya na, tapos ikaw, heto naghihintay pa rin.

Kumapit ka lang. Paparating na siya. Habang naghihintay ka, alagaan mo ang puso mo at huwag mong hayaang saktan ito ng maling tao. Para sa pagdating niya, buo ka.

At pagdating ng tamang panahon, kayo’y magiging isa.