Nagsimula ang lahat sa isang simpleng pang – aasar sakin ng mga kaibigan ko. Isa ka kasing halimbawa ng lalaking kahit sino man ay mapapahanga ang lahat . Ang agwat ng edad natin ay napakalayo ako ay 12 taon gulang ikaw naman ay 19 taon. Noong una nagsimula lang sa simpleng paghanga dala ng kakisigan sino ba namang hindi madadala kapag kamukha mo si chris tiu. Hanggang sa lumalim ang pagtingin ko sayo . Umabot bg buwan hanggang naging taon at ngayon ay dekada na kitang minamahal . Hindi ito lihim sayo dala ng pambubuyo . Ngunit ngayon 22 taon na ako . Muli kong ipinahayag ang nararamdaman ko . Nilakasan ko ang loob ko isend ko yung tulang inaalay ko sayo . Pero bandang huli seen lang ang natanggap ko. Para akong binuhasan ng malamig na yelo ng makita ko iyon. Doon pa lang alam ko na ang sagot. Kapatid lang talaga ang turing mo sakin . Ang tagal 10 taon kitang inibig pero ngayon kailangan ko nang itigil , isuko at tuluyang nang bitawan ang mga binuo kong pangarap sa aking isipan na minsan inibig mo rin ako.  Masakit ngunit ngayon kailangan ko nang mag let go. Ngunit hindi ibig sabihin na sumuko na ako wala na ang pagmamahal ko para sayo. Hindi andito pa rin at kailanman may espasyo ka sa puso ko. Kailangan nga lang bitawan ang mga kathang isip na magugustuhan mo ako at mamahalin gaya ng pagmamahal ko sayo. Salamat salamat ngunit hanggang dito na lang pagod na ako pisikal , emotional, at ang buong sarili ko . Paaalam 10 na pagmamahal