Hindi mawala ang ngiti
Sa aking munting labi
Binigyan mo ng karagdagang kulay
Ang tahimik at masaya kong buhay

Walang bahid ng kahit ano mang pagsisisi
Dahil ikaw at ikaw lang ang pinipili
Dinasal ng mabuti ang iyong pagdating
Umasa na ikaw na ang sagot sa aking hiling

Nagmahalan tayo at naging masaya
Bumibilis ang oras sa tuwing tayo’y magkasama
Umabot tayo sa pagpaplano ng ating sariling pamilya
O kay saya kung ikaw ang makakasama ko hanggang sa pagtanda

Ngunit parte nga siguro ng relasyon ang pagsubok
Minsan hindi na magkaintindihan
Mapapatanong kayo, “yung puso ba natin, pareho pa ng tinitibok?”
At kung naibibigay pa ba ang nararapat na kaligayahan

Kahit mahirap, kahit masakit
Pinapalaya na kita ng walang halong galit
Salamat sa panahong magkasama tayo
Walang sinoman ang makakahalili sa lugar mo dito sa puso ko
Hanggang sa muli, mahal ko