Nakakabaliw, nakakabinging katahimikan,
Nakakalitong katanungan ang nasa puso’t isipan,
Uhaw na uhaw sa mga kasagutan.
Walang buhay, walang kulay,
Buhay na punong puno na ng lumbay….
Laging nagiisip,
Iniisip kung karapat dapat pa ba akong mabuhay dito sa mundo,
Iniisip kung bakit ko nararanasan ang lahat ng ito,
Marami, maraming katanungan ang gusto kong sagutin ng buong mundo.
Paano ako makakaahon?
Pagod na akong sabayan ang alon.
Nakakapagod… Nakakabalisa…
Pagod na akong magpanggap na masaya
Na sa la loob loob ko’y puno ng sakit na nadarama.
Ngunit alam kong sa likod aking nadaramang depresyon
Kaagapay ko lamang ang ating Panginoon,
Na di ako sinukuan mula noon hanggang ngayon…..