Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

What if maging Tayo?
What if gusto natin ang isa’t-isa?
What if tayo nga ang nakalaan sa isa’t-isa?
Sa buhay ang daming What If’s!!
What if kung pwede talagang maging tayo?
Siguro ipapakilala mo ako sa magulang at relatives mo.
Siguro di tayo nagpapanggap na magkaibigan lang.
Siguro masaya tayo ngayong sandaling ito.

What if maging tayo?
Mamahalin mo rin kaya ako?
Ipaglalaban mo din kaya ako?
ipagtatanggol mo rin kaya ako sa mga mapanghusgang mata ng tao?
Kasi kung maging tayo, lahat gagawin ko para sayo.
Ako yung taong ipaglalaban ka sa hirap at ginhawa.
Hindi ako yung taong perpekto
Ako yung taong marunong makontento.

What if pwedeng maging tayo?
Siguro masasabi nating perfect ang buhay.
Siguro masayang-masaya tayo ngayon.
Siguro di tayo nagtataguan ng damdamin.
Siguro di nating iniiwasan na mapansin ng iba.
Siguro masaya tayong magsasama sa habang panahon.
What if maging tayo?
Siguro di na tayo nahihirapan.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required