Hindi lahat ng tao ay nagtatagal. Yung iba tinadhana lang dumaan.

Have you ever experienced na makakilala ng isang tao na sobrang swak niyo sa isa’t isa? Yung tipong you finish each other’s sentences?

Bigla lang siyang dumating, hindi mo hinanap, hindi mo hinintay pero dumating bigla sa buhay mo.

Mapupuyat sa kwentuhan, kikiligin sa mga banat, mahuhulog. Masaya naman kayo sa ganyang sitwasyon pero darating ang tamang panahon ng komprontasyon “checking of pages” “labeling” pero walang magiging ganoon. Maaring hindi ka pa handa, o hindi ka niya ipupursue. Masakit no? Masasaktan ka, sayang ang skincare routine na napabayaan kasi mas priority mo kausapin siya.

Manghihinayang ka kasi kung kailan naibigay mo na ang parte ng buhay at pagkatao mo, kailangan mo na din ulit bawiin kasi hindi pa siya yung tamang tao. Parang panahon, dadating pero lilipas din.