EKOB
Categories Poetry

EKOB

Ewan, kung bakit sa araw araw na ginawa ng diyos
Kung bakit nanatili ka at pilit inaayos.
O sadyang awa lang ba ang gusto mong iraos?
Bawat segundo, minuto, oras, araw ang lumipas

Eksenang tila walang kupas,
Kupas sa saya at lungkot na nadarama
O tila sa kabila ng lahat, presensya mo ang hanap.
Bakit sa lahat ng masakit na naganap

Eh ikaw parin ang hinahanap
Kung bakit sa kabila ng pait
O siyang yakap mo ang gustong kapalit
Basag na basong pilit inaayos

Eto ang pandikit na tila ayaw kumapit
Kung bakit ikaw pa ang nanakit
O sadyang walang magawa
Bakit hindi na lang hayaan at bitawan?