Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Everytime I Missed You

“I miss you.”
I hope pwedi ko ‘tong sabihin sa’yo ngayon.
Sana pwedi kitang e pm at kumustahin.

Ayos ka lang ba? Antagal na din nating di nag-uusap.
Kumusta sa work? Nakakakain ka ba sa tamang oras?

Sana inaalagaan mo ng maayos ang sarili mo.
Malayo man tayo sa isa’t-isa, abot ka parin ng aking mga dasal.

Ipinagdarasal ko na sana masaya ang puso mo.
Sana ibigay na ni Lord yung matagal mo ng dinadalangin sa Kanya.
Sana mas nagiging matatag ka.
Ipinagdarasal ko na sa bawat araw na dadaan ay bigyan ka Niya ng kompyansa sa sarili upang mangarap ng mas matayog.
Na ipapaalala Niya sa’yo lahat ng binitiwan Niyang pangako.
Na lahat ay magiging maayos din sa oras na itatakda Niya.
At lahat ng nasira ay aayusin Niya.

Wala man tayong mga salita na sinasabi sa bawat isa,
Andito ako nanangalin sa kaligayahan at kapayapaan mo.
Susuportahan kita sa paraang alam ko.
Hindi ko na kailangan pang sabihin kung paano.

May mga mensahe man akong hindi naipaaabot sa’yo ngayon,
Sana balang araw mabasa mo ito at malaman mong ikaw ang itinitukoy ko.

I miss you.
Ingat ka.