I’m going through healing by God’s grace

Tumagal ng ilang taon yung relationship namin. Syempre hindi naging madali yun, andaming struggles yung pinag daanan namin. He, for being obsess, possessive and sex addict. I, for being self-centered and submissive. Nagkakilala kami sa dorm, nag usap about his artworks and hobbies, his family, their situation, etc. Tumagal ng ilang linggo yung pag uusap namin until he confess na may gusto sya sa akin. Well, di ko naman maitatanggi na may gusto na rin ako sa kanya until one day paggising ko, kami na. Ganun kadali kasi sabi niya kung may gusto na daw ako sa kanya bakit pa daw niya ako liligawan diba? He got me on that so I agreed. I remain faithful to him and ready to let go of my past situations and my fears not until nalaman ko na niloloko niya lang pla ako all this time. Nahuli ko sya na niloloko niya ako and nakikipag break ako sa kanya then iiyak siya sa harapan ko, lumuhod at humihingi ng kapatawaran. Nahirapan ako, kahinaan ko yun eh, so inaaccept ko ulit sya. Syempre mahal ko eh, minahal ko kahit paulit ulit nalang na ganun yung situation.

One day, pumunta ako sa kanila. Hawak niya phone ko then nakita niya yung convo namin ng Ex ko na nag uusap about academe. Sa sobrang seloso niya nagalit sya. I’m saying sorry for what I did, lumuhod ako habang nagmamakaawa sa kanya na patawarin ako. I already had trust issues back then at naging worst pa yun dahil sa panloloko na ginagawa niya. So 4 na beses na niya ginawa yun. Di na naging stable yung relationship namin until nakipag break na ako sa kanya ng tuluyan. Sabi ko sa kanya na it’s not the perfect time for us to continue the relationship kasi nagiging toxic na, and I will let him go for now, for the better, for us to grow as a person and para narin kay Lord and after that babalikan ko sya after 10 years. Pero di niya naiintindihan yun, ang dating sa kanya eh nakipaghiwalay ako para humanap ako ng iba. Edi naghanap sya ng iba para punan yung pang iiwan ko sa kanya. Sinisisi niya ako dahil sa ginawa ko not knowing na para sa aming dalawa yun

Umiiyak ako nung nalaman ko na may pinalit agad sya sa akin. Dahil di ko na kaya yung situation naikwento ko sa dalawang kaibigan ko. Galit na galit sila sa kanya kaya gumawa sila ng paraan para makabangon ulit ako. Blinock ko sya sa Social Media at nag deactivate ako at nagpalit ako ng sim para di na niya ako ma contact. But still, ginamit ko yung other account para istalk sya at yung girlfriend niya, paulit ulit, minu-minuto. Ang tanga ko, sobrang tanga ko. Naghahabol pa ako sa kanya samantalang pinalitan niya ako kay Rachelle, yung babaeng naging dahilan kung bakit paulit ulit niya akong niloloko noong kami pa. Ang tanga ko talaga kasi harap harapan na nga akong niloloko, pinapatawad ko parin sya at tinatanggap ng buong buo. Araw-araw umiiyak ako, umaasa na sana maayos na ang lahat. Mahal ko, minahal ko ng sobra. Pinapasok ko sya sa buhay ko, nagpagamit ako sa kanya kasi akala ko sya na pakakasalan ko kasi nga engaged na kami at nabless na kami. Ipinakilala ko sya sa buong family ko, sa close friends ko, sa cell leader ko. But that love that we thought is failed, we failed. Sobrang sakit ng pangyayari. I thought he was the one. I used to think na he is someone that will never hurt me, ever. He was once my lover. I Love him to the fullest and he broke my heart. He manipulated me. He manipulated everything. He was turning the situation so that I am the one who will blame.

I gave him my all, my efforts, my things, my everything but in return he give me heartache, so much pain. Gusto kong magalit sa kanya, gusto gusto ko pero pag naiisip ko yun nasasaktan ako ng sobra. Sana di ko nalang sya nakilala. Sana di ko nalang sya inentertain. Sana di ako nasasaktan ng sobra at iniiyakan sya gabi gabi. Sya yung dahilan bakit mas pipiliin ko nalang mapag isa. As much as possible, dinidistansya ko na ang sarili ko sa mga tao. Sa mga taong nagkakagusto sa akin, iniiwasan ko at iisipin ko na hindi pa sila ang God’s will. Makakamove on din ako, di man ngayon but soon. di naman kasi madali yun eh.

I thought he is my “the one” but he is “the one” by another woman.

As a former lover of Mr. B, I’m Andrea and I’m signing off from this page of my life.