Lumipas ang panahon di ko napansin
na ang kaibigan ko ay aking iibigin.

Bakit ba hindi ko agad napuna
ang taglay mong ganda.

Nung una ay puro pang aasar ang aking ginagawa
Kaya naman nagsilbi ito sa akin na maling halimbawa.

Lubos ang aking pagsisisi
sa lahat ng aking nasabi.

Kaya mahal sana ako ay iyong dinggin
Na ako ay iyong patawarin.

Bakit ba hindi ka napansin? At sa iba pa tumingin
Buong buhay ko ikaw na pala ang hinihintay ko.

Hindi ko maiipangako sayo
Na ako ay hindi malalayo.

Pero nais kong ipabatid sayo
Lagi kang nandito sa aking puso.

Sa iba ay hindi titingin
Pagkat ikaw lang ang aking iibigin.

Lubos akong pinagpala
Na ikaw ay aking nakilala

Batid ko tandhana ang nagpasya
Upang landas natin ay itakda

Kaya ang hiling ko lang sa Maykapal
Na sana ikaw sa akin ay mai-kasal

Ikaw ang pinagdasal ko ng lubos
Na makasamang manumpa sa harap ng Diyos.

Kaya mahal ako sana ay pagbigyan
Na ikaw ay aking makasama at mahagkan,
Ngayon, bukas at magpakailanman.

Mahal na mahal kita oh aking ka ibigan.


Warning: mysqli_query(): (HY000/3): Error writing file '/tmp/MY8gA6F7' (Errcode: 28 - No space left on device) in /var/www/html/wp-includes/wp-db.php on line 1924