Sasapit na naman ang gabi

Hindi ko maaninag ang liwanag

Dahil sa mga luhang pinigil ko buong umaga

At sa tuwing ako’y pipikit,

Ay nakikita ko ang iyong mukha,

Katawan ko’y lumalakbay

Sa mga panahong nakikita kitang masaya,

Sa mga panahong ikaw ay lumuha at natakot.

Sa mga gabing binigo tayo ng mga bulalakaw.

Sa mga umagang pinag-uusapan natin ang magagandang bulaklak.

Sa mga umagang ninais nating maging pulang rosas.

Umaagos ang mga luha ng pag-ibig, lungkot at pangungulila

Hatinggabi nang makakatulog ang pagod na mga mata

Madaling araw nang matuyo ang mga luha

Hinihintay ka sa panaginip,

At gigisingin ulit ng katotohang wala ka na.

Gising…