Gusto Kita v 2.0
Categories Poetry

Gusto Kita v 2.0

Gusto kita.

Gusto kita makita.

Hindi dahil gusto kong pagmasdan ang iyong kaanyuan, kundi dahil gusto kong masilayan ang iyong kalooban.

Gusto kita mahawakan.

Hindi para hindi ka na makawala, kundi para sa mundong ‘to di ka mawala.

Gusto kita mayakap.

Hindi dahil malamig ang mga gabi, kundi dahil gusto kong maramdaman mo ang init ng aking pagmamahal na laging sinasabi.

Gusto kita maunawaan.

Hindi dahil mahirap kang intindihin, kundi dahil gusto kong alamin ang iyong damdamin.

Gusto kita makasama.

Hindi lang para makita, mahawakan, mayakap at maunawaan, kundi dahil gusto kita makapiling maging sa hirap man o kaginhawaan.