Gusto ko na lamang bumalik  sa panahong malayo tayo sa isa’t-isa

Sa mga panahong ngiti at tango ay sapat na.

Sana pala ay nakuntento na lamang sa mga

simpleng “hi at hello”

At di na pinaabot sa malalimang usapan at puso sa pusong tapatan.

Hindi sana ganito kahirap ang sitwasyon kung pinili na lamang

Na itikom ang bibig at naupo na lamang sa isang gilid.

Hindi sana nahihirapan ang isip at puso

Na balansehin kung tama pa ba o tama na?