Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sa bawat araw na dumaraan tila di ko mapigilan ang magbaliktanaw

Sa mga araw na lumipas

Sa mga panahon na nagdaan

Minsan naluluha

Minsan nagsisisi

Minsan nagpapasalalamat

Minsan puno ng saya

Pinili ko ang mga desisyong nagawa

Buong puso

Walang takat

Ngunit

Iba ang kinahinatnan

Akala ay walang wakas

Akala ay ito na ang inaantay

Sa simula ay masaya

Bawat araw ay napapaligiran ng ngiti at saya

Ito na iyon

Ang pangarap na mithi ay nandirito na

Ngunit sa isang iglap ay naglaho parang bula

Hindi inasahan

hindi inakala

Parang bula lang ang lahat

Parang ihip ng hangin

Parang sinag ng araw lang na nagdaan

Ngayon napapaisip na lamang

Nagbabalik tanaw

Sa nakaraan

Sa una ay puro luha

Puro sakit

Ngunit sa paglipas ng araw

Ang nakaraan ay nababalot na ng saya

Hindi man nangyari ang inaasahan

Ngunit ako ay maraming natutunan

Sa aking pagbabalik tanaw aking natutunan

Kaya ko na harapin ang kinabukasa