Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

May isang tao rin ba na sa tuwing nakikita mo siya e biglang sumasaya ang malungkot mong mood? Na sa isang ngiti nya lang, isang hello, isang kamusta, e mabubuo na ang iyong araw? Kahit nga sa isang sulyap lang sa kanya, magbibigay ngiti na agad un sayo.

Sa bawat saya na naidudulot niya ay ang pag-aasam na sana masaya rin siya na makita ka. Pero ang bawat kilig na pilit itinatago ay kaakibat ang pangamba na baka isa kang istorbo sa kanya, na ang presensya mo ay wala lang sa kanya.

Sa panandaliang ngiti sa tuwing makakausap mo siya, ay ang pangmatagalang sakit… sakit na nagsasabing hanggang diyan na lang… hanggang kilig na lang… hanggang pangarap na lang… dahil ang taong nagbibigay sa’yo ng kasiyahan… ay matagal nang umiibig sa iba… at ang magustuhan ka ay wala sa isipan niya.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required