Hanggang Kelan?
Categories Confessions

Hanggang Kelan?

Nawalan din naman ako ng gana. Dumating din naman ako sa puntong hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko sayo, pero hindi ako bumitaw.

Oo, nagpahinga ako, pero hindi ako sumuko.

Oo, nanahimik ako pero hindi ako naghanap ng iba.

Ngayon, oo, pinalaya kita pero gusto pa rin kita. Hindi ka maalis sa isip ko. Hindi ka mawaglit kahit anong gawin ko. Hindi ka na ba talaga babalik? Wala na ba talaga? Nakalimutan mo na ba talaga ako? Ganun lang ba kadali yun para sayo?

Bakit ang sakit? Bakit ang hirap?Ikaw tong nanggulo, pero ako tong nasasaktan at nahihirapan.

Hanggang kelan ba ko makakaramdam ng sakit sa tuwing maiisip ka? Hanggang kelan may papatak na luha nang dahil sayo? Hanggang kelan?! Napapagod rin naman ako.

Prev 5 BAKITs- Just Why?
Next To The One That Got Away