Hi,
Sorry sa lahat. Sorry sa mura at sampal last last night. Sorry if sobrang galit ako. I was intoxicated pero di naman excuse yon for how I acted. I just wished there was a better time haha pero tapos na. Last na ‘to since nahimasmasan na ko. Di na ako galit haha. Sorry for not telling you right away what I really felt and for all the other things.
Salamat kasi for once nakapagusap din tayo. I needed that. I was at that point before na kinakain na ko ng lahat ng emosyon ko kasi nga di ko alam kung anong nasa isip mo. Naging toxic ako sa mga kaibigan ko pero ayun buti na lang hindi sila nawala.
I knew better. There was also a point na gusto ko baguhin prinsipyo ko sa buhay para sayo. Pero ayun. Ayoko na ipagsisikan sarili ko sa tao na matagal na palang nag give up sakin. I learned it the hard way pero ang importante natuto ako. We should’ve helped each other grow but that’s not what happened.
Sa ngayon, I still wish you all the happiness. Sana when you met the one, hindi na maulit yung ganito. Let’s just make less wrong choices haha. Wala namang kasing right choice. Lahat may pros and cons. Ako, nasira talaga ako. Sobrang daming maling desisyon. Sobrang daming regrets. Pero wala ka naman kasalanan. Lahat naman yun responsibilidad ko. Kasi yun yung pinili ko.
Sobrang hopeful nito pero sana, in time, makahanap tayo ng way para maging friends ulit. Isa ka kasi sa taong kaya ko magpakatotoo, unfiltered. Ayun. Sana no hard feelings. Pero if meron, well, ganun talaga. I guess, I’ll just have to live with that.