Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Maraming beses na kitang nakitang umiiyak. Tila labis ang pinagdadaanan, na hindi mo na alam kung ano at pano mapapawi ang nararamdaman. Kitang kita ko ang sakit habang tinitignan kang sumisigaw sa pait na pilit mong nilalabanan, at tinatanong mo sa sarili kung hanggang kailan ka magiging ganyan.

 

Alam mo naman na kung paano ka makakawala sa sitwasyon na kung saan ka ngayon. Pero pilit mo pa ring kinukulong ang sarili sa mga bagay na hindi para sa’yo at hindi magiging sa’yo. Kaya patuloy kang lumalaban sa laban na kahit alam mo naman na sa bandang huli ay hinding hindi ka mananalo. Dahil hindi lahat ng lumalaban ay tama ang ipinaglalaban.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


 

Eto naman ang tanong ko sa’yo. Hanggang kailan ka magiging ganyan? Kelan mo tatapusin ang laban na pwede mo namang sukuan ng di natatalo. Kasi alam mo, hindi lahat ng sumusuko ay talo. Lalo na pag ang ipinaglalaban mo ay hindi para sa’yo.

 

Minsan may mga laban tayong dapat sukuan para mapagtanto natin na may ibang laban pala Siyang inihanda, at sa laban na yon, andon ang tagumpay na ating pinakahihintay.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required