Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Hindi naman ako umalis gaya ng sabi mo
‘Ni hindi kita winaglit sa utak ko
Dumistansiya lang ako ng kunti
Nagpakalayo-layo ng bahagya
Pero hindi kita iniwan ‘ni minsan
‘Ni saglit, ‘ni kahit kailanman
Dumistansiya lang ako ng saglit
Bumalik sa dating mga nakasanayan
‘Nung naisipan mo nang umalis sa tabi ko
‘Nung naisipan mo nang gawin ang mga bagay na ‘di na ako
Ou, ‘di na ako ang kasama mo
‘Nung naisipan mo nang iikot ang mundo mo
Sa direksiyong wala na ako
O ‘di kaya’y, nawala na ako
Dumistansiya lang ako ng saglit
Para pagbutihin pa lalo ang lahat
Para pagbutihin pa lalo ang sarili ko
Nagtrabaho ng higit pa sa sagad
Nag-ipon ng nag-ipon higit pa sa lahat
Ibinigay ko na ang limangdaang porsyento
Mas tinaasan pa lalo ang mga pangarap
Mas dinoble at higit pa sa triple ang pagsisikap
Para maging sapat ako
Para maging sapat na ako
Para maging sapat na ang lahat
Para maging sapat na sa’yo
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
Dumistansiya lang ako ng saglit
Pero sa “habang” pansamantala
Para pag dumating na ang pagkakataon
Ang oras na magkaharap ulit tayo
Masasabi mong “nanghihinayang” ka
Pero ‘di dahil ‘dun kaya bumalik ulit ako
Gusto kong maging sapat ulit sa’yo
Sasapat na ulit sa’yo
Kung nabigo at nagkulang man ako sa una
Pero sana, sosobra na ako
This time, sa pangalawang pagkakataon na’to
Hindi naman ako umalis kasi naduwag ako
Nag-ipon lang ako ulit ng mga panibagong bagay
Mga bagay na sa tingin ko, noong una kinulang ako
Sa pagkakataong ito, sa pangalawang ulit
Bitbit ang limangdaang porsyento
Papatunayan ko sa’yo na kaya kong higitan
Ang kulang at mahinang “dating ako”
“Uulit at uulit ako ng ilang daang beses
Kung sa tingin mo, ‘yun ang kinakailangan ko
Para sa’yo, para ka makuntento.”
Photo Credit: Google on Display(Filipino Echos)
Statvs Manila
#BoilingPoint