Hindi Pwede

Oo gusto kita, pero hindi pwede.
Unang kita ko pa lang sa’yo ay nagkagusto na ako, pero hindi pwede.
Hindi pwede sa kadahilanang ikaw ay nasa isang relasyon.
Relasyon na sa iyong mga kwento’y itinadhana kayong dalawa habangbuhay.
Na sa iyong paghihintay ay sa kanya mo naramdaman lahat.

Tila’y nakakatuwa ang mga sumunod na salitang lumabas sa bibig ko,
‘May single ka bang kaibigan?’
‘Oo, meron. Pero hindi kita mar-recommend.’

Patawad dahil hindi ko pwedeng sabihin sayo ang lihim ko.
Patawad dahil nagkaroon ako sa’yo ng pagtingin.