Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
“Hindi tayo pwede, hindi na posible…
Ang mga puso’y huwag nating pahirapan,
suko na sa laban, Hindi tayo pwede…”
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
Noon, akala ko isang nakaka-LSS na kanta lang ito. Ngunit, heto ako ngayon. Naiwan sa kawalan.
Totoo pala na posible mong maramdam ‘yon. “Pinagtagpo pero ‘di tinadhana…”
Oo, ang tanga ko. Bakit kasi ikaw? ‘Di ko naman inakalang tayo’y aabot sa ganito. ‘Di ko naman intensyon na guluhin and MUNDO mo
Bakit ba kasi ikaw pa ang nagbigay sigla dito sa puso ko? Na kahit kailan alam kong hindi mapapasa-iyo.
Una palang kitang makilala, alam ko na matagal ng may nagmamay-ari ng puso mo. Pero bakit ako pa? Ang napili mo? Magbigay saya sa puso mong nangungulila sa kanya.
Hindi ko naman lubos maisip na bakit ikaw pa, ang nakabihag sa damdamin ko? Kahit alam ko naman na kailanman ‘di na pwede maging tayo.
Noong una, mabuting kaibigan lang naman ang turing ko sa’yo. Ngunit habang tumatagal, sa tuwing magkasama tayo, pakiramdam ko akin ang puso’t isip mo…
Sa tuwing tinatanong kita kung kumusta ba siya, matipid ang mga tugon mo. Na para bang, ayaw mong pinag-uusapan natin ang KAYO.
Pinilit kong ikaw ay iwasan, ngunit para bang miski ang tadhana ay umaayaw. Palagi kang nariyan, nangungulit, nagpapapansin.
Inilihis ko ang aking isipan, na baka mali ang mga nakikita kong mga pinapahiwatig mo.
Pero bakit ganoon? Kung dati’y hindi ko mabasa ang mga nasa isipan at mata mo, ngayo’y napakabilis ko ng malaman kung may lungkot sa iyo.
Nakakainis kasi kahit gaano mo itago ang iyong nararamdaman, pilit kong nakikita, nakapinta sa iyong mga mukha.
Salamat sa mga masasayang panahong pinaramdam mong ako’y iyong gusto. Kahit na alam naman nating hindi pwede ay pinilit mo nalang maging masaya sa aking piling.
“Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero ‘di tinadhana
Hindi na…“