HIV positive,
Categories Relationships

HIV positive,

Naging biktima ka na ba ng sakit na to? Laganap ang sakit na to. Yung nagmahal ka ng sobra. Ibinigay mo ang lahat maipadama mo lang ang pag ibig mo.

Masaya ka pag kasama mo sya pero sa kabila ng lahat mas nangingibabaw yung pangamba.  yung sakit na nararamdaman mo kasi hindi sapat yung ipinapadama nya sayong pagmamahal. Yung hindi ka sigurado kung anong meron kayo. Yung punung puno ng katanungan ang isip mo.

Pag naramdaman mong mas nagingibabaw na ang lungkot kaysa sa saya,  awat na!

Tandaan: Hindi sapat na masaya ka lang.  dapat masaya at panatag ka.

Palayain ang sarili sa sakit na HIV

Hindi-Inibig-Virus