Scenario 1. Kung ikaw yung pinagchichismisan, eto yung mga bagay na pwede mong gawin:
1. Kausapin mo yung taong alam mong nagkalat ng chismis tungkol sayo. Harapin mo siya. Kausapin mo ng maayos. Tanungin mo bakit ganon yung pinagkakalat niya. Lalo na’t kung alam mong hindi totoo yung pinagkakalat na chismis patungkol sayo, kausapin mo ng harapan. Ikaw na kumausap tutal ikaw yung involve.
2. Iwasan magparinig. Katulad nga ng sinabi ko, harapin mo siya. Ipamukha mo sa kanya na mali yung mga pinagkakalat niya.
3. Maging kalmado ka lang. Kung hindi naman totoo yung pinagkakalat niya, edi chill ka lang. Pero kung totoo, edi tuldukan mo na lang.
Scenario 2. Kung ikaw yung nagkakalat ng chismis, ito yung mga dapat mong gawin:
1. Actually isa lang dapat mong gawin. Hwag ka magkalat ng chismis. Hindi mo alam kung totoo ba o hindi yung mga nakalat mo. Mas maiging kausapin mo yung taong involve at ikumpirma sa kanya ang mga totoong pangyayare.
2. MANAHIMIK KA NA LANG TALAGA. Wala kang maaambag sa lipunan kakachismis mo. TAPOS!