Current Article:

Huwag mo ‘ko turuang kumapit sa’yo

Huwag mo ‘ko turuang kumapit sa’yo
Categories Relationships

Huwag mo ‘ko turuang kumapit sa’yo

Puwede bang bumalik na lang tayo sa panahon na handa kang iwan ako? Sa panahon na wala akong ibang puwedeng maramdaman sa’yo, kundi galit habang pinipigil ko ang sarili na huwag na sa’yong masabik. Para hindi na kita bukas palad pang tatanggapin, at hindi ko na muling gugustuhin pa na ika’y mahalin.

Huwag mo ko turuang kumapit sa’yo. Huwag mo ko turuang manatili sa tabi mo.
Baka hindi na kita mabitawan, baka hindi na kita malimutan o maaaring sa huli ay piliin ko ang kabaliktaran. Dahil alam kong hindi buo ang loob ko para manatili sa’yo hanggang sa dulo. At mas natatakot ako sa ideyang sa huli, gawin ko ang minsang nagawa mo, ang mang-iwan. Ang mang-iwan, hindi dahil sa hindi ka mahal, minahal o minamahal, ngunit dahil baka kailanganin kong maging makasarili. Ayokong dumating tayo sa puntong, ang natatanging mabuting desisyon na sa’kin ay maiiwan ay ang pilit kang bitawan o kalimutan. Ayokong maramdaman mo ang sakit na minsan mo na sa aking ipinadama. Ayokong maiwan ka sa kawalan, at patuloy maghintay at umasang ika’y akin pang babalikan. Kaya pakiusap, maaari bang ulitin mo na lang ang minsan mong nasimulan?

Muli mo sana akong iwan at huwag na muli pang balikan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *