Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

I always pray for your happiness kahit alam kong hindi ako ang magiging dahilan ng mga ngiti mo. I keep on praying for your success kahit hindi ako ang magiging parte ng iyong mga plano. Pinapanalangin ko na dumating ang taong magmamahal sayo nang totoo kahit alam kong hindi ako yun. I keep on praying for your safety even if I know na hindi ako ang una mong tatakbuhan kapag hindi ka sigurado sa mangyayari sayo. Ikaw ang laman ng panalangin ko sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Maging ang mga tala at buwan ay saksi kung paano ko paulit-ulit na binabanggit ang pangalan mo.

Alam ng mundo kung gaano kita hinahangad, alam ng mundo kung paano kita hinihingi sa Kanya. Laman ka ng panalangin kahit iba ang iyong dinadalangin I keep on praying for us kahit alam kong hindi pwede. Pinipilit ang tadhana kahit na hind ikaw at ako ang nakatakda. Dasal ko palagi na sana ako’y iyong masilayan kahit alam kong nasa iba ka na nakadungaw.

Hindi ako magsasawa at mapapagod na ibulong sa Panginoon ang iyong pangalan. I keep on praying for you because I love you kahit hindi mo alam. I love you kahit hindi ako. I love you kahit hindi man maging tayo. I love you and God knows how I keep on praying for you.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required