Current Article:

“I Will Build An Empire And You Will Be the Queen”

“I Will Build An Empire And You Will Be the Queen”
Categories Relationships

“I Will Build An Empire And You Will Be the Queen”

Hindi ako nawawalan ng pag-asa. Kasi si “Naruto” may “Hinata”

Medyo matatagalan pa siguro ako para maitayo ang imperyo ko. Nag-uumpisa pa lang kasi ako maghanap ng tamang lugar na pagtatayuan ng magiging palasyo natin. Alam ko namang medyo late na ako sa edad ko ngayon pero hindi pa naman ako huli para gumawa ng mga pangarap kasama ka. Mukhang kailangan ko munang magtayo ng sarili kong hukbong pandigma. Kailangan ko ring manalo sa mga parating na digmaan na limitado ang sandata sa ngayon. Kailangan ko ring manakop ng iba pang imperyo para malakas ang tyansa ko para mapanalunan ang pinaka-malaking digmaan na matagal ko nang pinaghahandaan. Kailangan kong sakupin ang pinaka-huling kaharian na humaharang para ideklara akong pinaka-makapangyarihan sa kabuuan.

Ikaw at ang imperyo mo ang pinaka-huli kong sasakupin. Sisimulan ko sa paglalatag ng plano kung paano gumagalaw ang kabuuan ng mga kawal at sundalo mo at kung pa’nu eka-counter ‘yun. Aatakihin ko ang hukbo mo mula sa magkabilang dako. Ang pinaka-misyon ay sirain ang buong pundasyon ng hukbo mo. Isusunod ko ang pader na pumu-protekta sa buong imperyo mo. Ibabagsak ko ang pinaka-mataas na bahagi ng ‘yung palasyo bilang hudyat ng ‘yung pagsuko. Pero hindi ako gagamit ng dahas sa umpisa pa lang. Hindi ako gagamit ng kahit anong klaseng pwersa o lakas para pasukuin at ibagsak ang ‘yung imperyo. Hindi ako gagamit ng kahit anong sandata para palubugin ang buo mong kaharian.

Inaamin ko na medyo brutal ang mga sinabi ko sa unahan. Building an empire is necessary. Pero, ang paghahanap ng isang reyna na kakatawan sa isang kaharian ay kasing-hirap ng pagtatayo ng isang imperyo. Para ka makagawa ng panibagong mundo, kailangan mo munang sirain ang luma. Nang sa ganun, lahat ng bahid ng alaala na gawa ng masamang pakikidigma ay mapalitan.

Ang paghahanap ng reyna ay hindi kasing-dali ng paghahanap ni “Spongebob” kay “Gary” pag nawawala ito. Hindi kasing-dali ng pagbebenta ng product mo via “Online Marketing.” Hindi kasing-dali ng paghihiwalay ng mga puting damit sa de-kolor pag maglalaba ka.

Ang paghahanap ng reyna ay kasing-hirap ng timing sa pagbili ng stocks sa “Stock Market.” Kasing-hirap ng mga katagang, “Susungkitin ko ang mga bituin at buwan.” Finding a “Princess” is necessary. But finding a “Queen” will be very challenging. Pipiliin mo munang isugal at ilatag ang lahat ng baraha mo para matalo ang kalaban. Alam mo naman siguro na sa dinami-dami ng episodes ng “Spongebob Squarepants,” ni isang beses, hindi pa nagtagumpay si “Plankton” na makuha ang secret formula ng “Crabby Patty.” Sigurado din akong ni isang beses sa episode ng “Wonderpets,” never pa nilang tinamaan ang saktong tono kapag kumakanta sila. Ganun kahirap ang paghahanap ng reyna. Ganun kahirap ang pagdadaanan mo para magkaroon ng isang reyna.

I will build an empire and you will be the queen. Kasing-hirap man ito ng pagkakabisa ng 110 elements sa “Periodic Table” nung highschool ako. Kasing-haba man ito ng episodes ng “One Piece.” Kasing-hirap man ito kung papa’nu ibagsak ang isang imperyo. Sisimulan ko na muna ang lahat sa isang masinsinang pagpa-plano. Uunahin kong itumba ang pader na nakapalibot sa kaharian mo. Paparalisahin ang lahat ng makinarya mo sa pakikidigma. Pasusukuin ang lahat ng mga kawal kasama ang lahat ng mga heneral at huli kong ibabagsak ang pinaka-mataas na tore ng palasyo mo tanda ng iyong pagsuko at pagiging makapangyarihan ko.

 

Hindi ako nawawalan ng pag-asa. Kasi si “Naruto” may “Hinata”

Photo Credit: Google on Display

Parkenstacker