Iba’t Ibang Mukha ng Pag-ibig
Categories Relationships

Iba’t Ibang Mukha ng Pag-ibig

HOPELESS ROMANTIC – Sila yung mga tinatawag na MARUPOK. Iyong mga taong hindi tumitigil sa pag-asang magbabago pa ang taong mahal. Sila iyong nasa populasyon ng mga hindi napapagod sumugal kahit pa paulit-ulit na nasasaktan. Madalas na matawag na tatanga-tanga sa pag-ibig, pero para sa akin, sila yung mga taong nasobrahan sa tapang. Kasi sila yung laging may lakas ng loob para patuloy na tumalon sa bangin ng walang kasiguruhan. Subok lang ng subok hanggang sa mahanap ang HAPPY ENDING.
NERD – Sila yung mga nagmamahal na “by the book”. Yung mga taong binabase sa mga pag-aaral ng history ar science ang magiging approach sa love. Mga animo expert magpayo pero NBSB at NGSB naman pala. Saan kinukuha ang payo? Sa libro. Sa greek mythology at love based on science ang mga payo. Iyong tipo bang sasabihan ka ng “WAG MO SISIHIN ANG PUSO MO. ANG HYPOTHALAMUS MO ANG MAY KASALANAN. ALAM MO KASI, ACCORDING TO SCIENCE……”
CONFUCIOUS – Sila ang mga taong nasobrahan sa pagiging rational at logical with love. Utak ang nangingibabaw. They prefer to follow their brains rather than their feelings. Kasi less pain nga naman if you’re going to use your intellect. Less emotion,, less pain. Yan ang motto nila. Isa din sila sa sobrang galling magpayo, kasi katulad nga ng sinabi ko, they are the ones given the luxury na maging rational at logical sa love.
PLAYER – Ito naman yung mga tao na alam niyo na, mapaglaro sa pag-ibig. Mga taong daig pa ang nagpapalit ng damit sa pagpapalit ng partners. Mga taong hindi marunong mag-apply ng 3month rule. Iyon bang kakahiwalay lang, wala pang isang lingo e may bago na ulit. Pwede din silang tawaging “THE FLASH”, kasi sa pagpapalit ng gf/bf, they are so fast. Sila yung mga madadalas na nakakapang biktima ng mga MARURUPOK or HOPELESS ROMANTICS. Sila kasi yung mga magagaling mambola at sobrang tamis ng dila.
TRADER – Ah, sila naman yung mga nabibilang sa mga SIGURISTA. Hindi mo basta basta mapapasugal sa pag-ibig. Sila yung mga nagtitimbang muna ng pros and cons, weight your possible losses ba. Kapag mas malaki ang tsansa ng pagkatalo, hindi na sila susugal. Move on to the next one. Kasama ito ng mga CONFUCIOUS pero yung kanila madalas is may kasamang experience kaya mas pinili na maging TRADER kesa maging GAMBLER.
GAMBLER – Sila yung mga manunugal ng puso. Ito yung mga kahit mataas ang tsansa ng pagkatalo e susugal pa rin. Pero malayo pa rin sila sa mga HOPELESS ROMANTIC. Ang mga gambler ang mga taong alam naman kung kalian titigil sa pagsusugal. Sila yung mga taong marunong din magpreno kung alam na nilang sagad na at malapit na ang limitasyon nila.
REBORN – Sila naman yung mga dating player na nakahanap ng katapat. Mga player na nakilala na ang babae o lalakeng magpapatino sa mga puso nilang minsang nasaktan kaya nagloko na lang. Sila iyong mga rehabilitated na at mas piniling muling magmahal ng totoo. Sila yung mga taong na-overcome ang takot nilang magmahal ng totoo. Muling naging sakto ang tapang para muling sumugal.
I THEREFORE CONCLUDE – Sila naman ang bilang ng mga babae at lalake na wala pang tahasang pag-amin e nag I THEREFORE CONCLUDE na may gusto sa kanila ang isang tao. Eto yung mga tao na tinatawag nating ASUMERO. Yung mga naging sweet lang sa kanila at caring e iisipin agad na may gusto sa kanila ang isang tao. Tapos kapag nabasted ang itatawag sa nakapanakit sa kanila ay PAASA.
HUNYANGO – Sila naman guys yung mga ampalaya sa pag-ibig pero deep inside e sumasana all din. Iyon bang mga kaibigan mo na sobrang makakontra sa love life mo. Mga normal na linyahan nila is “IIWAN KA DIN NIYAN”, “WALANG FOREVER GUYS”, at saka “LOLOKOHIN KA DIN NIYAN”, pero tuwing gabi, kapag nakahiga na sila sa kanilang kama, lagi nilang dasal n asana dumating na ang forever nila.
SANAOL – Ay! Sila naman guys yung mga panay share ng pics sa lahat ng social media accounts nila with matching caption na “SANA OL”. Pero kapag pinormahan na sila or niligawan or may nagparamdam at nagexpress ng feelings para sa kanila e either binabasted or dinedeadma lang. Oh diba? Pambansang taga-SANAOL na lang.
LOWKEY – Sa barkada talaga, makakakita ka parati ng ganito. Iyong mga may love life pero hindi halata kasi di marunong magkwento. Sinasarili ang kwentong pang puso kasi mas nananamnam nila ang sarap ng pag-ibig kapag sinasarili lang nila ito. Ito yung mga taong simple lang, pangiti-ngiti kapag nakatingin sa cp nila pero kapag tinanong mo naman ang sagot lang sa’yo ay “WALA TO”.
BACKRIDER – Sila naman iyong mga nakikiuso lang at madalas lang makisabay sa tropa. Halimbawa si tropa madaming babae, so dapat siya din madaming babae. Kung papalit palit nggf si tropa, siya din ganun ang gagawin. Kung may gf si tropa, siya din dapat may gf. Ganyan ang mga backrider. Madali silang maimpluwensyahan or talagang nakikisabay lang sila sa agos.