Naalala ko pa yung unang araw na nakilala ka. Ikaw naaalala mo pa ba? Tahimik aking mundo para bang langit ang natamo. Mga pag uusap, malalim, na tila isinusulat sa liham rin. Na buong pagkatao mo’y parang langit kung sundin.
Unang akala mo’y may patutunguhan ang lahat ngunit sa kabila ng lahat ito’y baligtad. Ang bawat pahina ng librong makasaysayan naglalaman ng katotohanan at realidad ng buhay. Kaya ang realidad ng buhay ng isa sa mundo hindi makatarungan, may nasasaktan, may nagpapakamatay, may umiiyak, may sakit, at may hindi alam ang nararamdaman.
Ikaw ang unang lumaban sa kabila ng saya ngunit ikaw din ang unang bibitaw sa bawat segundong nakalaan. Na ang buong akala mo’y masaya at mahal ka niya pero lahat ng iyan baligtad lamang. Hindi k naman basurang recycled para ipamuka sayo na kakailanganin k lamang kapag kinakailangan.
Paalam, sa isang taong minsang ako ay napasaya, sa taong minahal ko ng lubusan, sa taong naging dahilan ng paglaban, sa taong sinuportahan ko ng ilang buwan, sa taong naging dahilan bakit nagkaganito, sa taong alam kong minahal ako.
Ngunit nanatili ka sa isang lugar, nagmumukmok dahil sa taong akala ko may hangganan ngunit walang patutunguhan. Paalam.