Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Naiintindihan ko naman lahat. Honestly, sinabi ko naman sa’yo lahat ng reasons ko kung bakit ako nagkakaganito. Pwedeng hindi mo maintindihan, or pwedeng pinipilit mong intindihin. Kilala natin ang isa’t-isa, kaya alam kong naninibago ka sa’kin. Naninibago rin ako sa sarili ko, kasi hindi ko na alam kung ano pa ba yung magpapasaya sa’kin. Yung dating masaya ako gawin, yung dating nag-eenjoy ako gawin, ngayon hindi na.
Alam kong darating sa point na ganito, yung susuko ka. Ilang beses ka na bang sumuko sa’kin? Hindi ko na alam. Pero this time, alam kong sumuko ka dahil nakikita mong wala ng pag-asa, or masyado akong maraming gusto. Dapat ganito, dapat ganyan.
Lagi kitang tinatanong kung hindi ba unfair, kasi ikaw sure ka sa feelings mo para sa’kin, tapos ako, ganito magulo. Minsan gusto kita, minsan parang hindi. Minsan masaya akong kasama ka, minsan hindi ko alam. Ang unfair diba? I know may mali sa’kin, kaya sorry. Sorry kung minsan nafeel mo na you’re not enough, na hindi perfect. Maybe, hindi lang ako yung tamang taong makakaappreciate sa’yo. I’m not worthy. Hindi ako kapili-pili. Hindi ko lang maamin, pero siguro sa’ting dalawa, lagi kang mas masaya. Mas enjoy ka sa buhay mo. Simple things can make you happy, iyun yung nakita ko sa’yo. Madali ka lang maging masaya, which is ako hindi.
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
Thank you. Thank you kasi natolerate mo yung ugali ko ng almost a year. Thank you rin kasi andyan ka nung na-achieve ko yung some goals ko in life. Thank you rin kasi nung mga oras na malungkot ako, andyan ka para sa’kin.
I know for sure you’re going to find someone na hindi maraming requirements, na worthy, na mas ma-aappreciate yung time and effort mo, at yung mamahalin ka nang sobra. Maybe for now, or maybe, hindi ako ‘yon. I’m letting you go, kahit hindi naman naging tayo.