In a perfect timing

First year college kame nun sa Saint Louis University sa Baguio ng makilala ko sya that was year 2011. Bukod sa maganda sya matalino sya kaya di maiiwasan na mapansin talaga sya at madame magkagusto. Naging mag kaibigan naman kame at nag attempt ako manligaw. Kaso basted,priority nya muna daw ang mag aral.

Nagka girlfriend naman din ako nun isang Louisian din at yung isa naman kababayan ko sa Batangas. Nawalan din ako ng balita sa kanya lalo ng lumipat na ko ng Manila at dun na pinag patuloy ang pag aaral.

Year 2014 nang huli ako magkaron ng relationship. Nag focus na muna ako sa pag aaral. Paminsan minsan iniistalk ko sya sa facebook. Hangang sa naging routine ko na na kapag mag bubukas ng facebook tignan ang profile nya. Laman din sya ng mga kwento ko sa mga tropa ko. Sinasabe ko sa kanila na may gusto akong babae kaso natatakot akong kausapin,sa isip ko na lang baka mabasted ako ulit.

Kahit palage ko tinitignan ang profile nya di ko parin magawang imessage sya. Di ko alam kung torpe ba ko o takot o ano. Pero alam ko sa sarili ko na gusto ko sya.

 

Year 2018,September di ko alam san ko nakuha ang lakas ng loob na maimessage sya. Kumustahan lang nung una. Hangang sa gusto ko na palage na syang kausap kahit na minsan ang sungit nya. Minsan ko sinabe na gusto ko sya at gusto ko ligawan sya ulit,nabigla na lang ako ng sabihin nyang wala sya maalala na nanligaw ako 😂😂😂. Di ko alam kung matutuwa ba ako nun o maaawa sa sarili ko. Pero tinotoo ko sinabe ko. Nagsimula na ako ulit manligaw. Mahirap lang sa ngayon kase nasa Dubai na ako,pareho na kame may trabaho sya bilang MedTech sa hospital sa may Manila at ako Engineer dito sa Dubai. Kahit masungit sya paminsan minsan nararamdaman ko naman na naaappreciate nya mga ginagawa ko.

 

5 years of being single,at masasabe ko na kapag nanligaw ka ng gusto mo kung mababasted ka naman at ginawa mo ang kaya mo,oo masakit pero wala kang pagsisisihan. (Pero di pa nya ko binabastes guys) 😂😂😂. Sinabe ko din sa kanya na hayaan na muna nya ko sa ginagawa ko,kase noon nung binasted nya ko wala pa ko nagagawa.

 

Exit mobile version