Inilaan
Categories Relationships

Inilaan

‘Yan yung salita na minsan nakakatuwa kapag inilarawan,
Pero minsan nakakapanghinayang.
Parang tayo dati, oo tama ka TAYO,
Yung akala natin na inilaan na para sa isa’t- isa yung ikaw at ako,
Pero ano nangyari? Bakit ka nagloko?

Ang bilis naman, ikaw at siya na agad ngayon,
Parang kailan lang may ikaw at ako pa no’n.
Sadyang mapaglaro ang tadhana at mabilis ang panahon,
Ikaw mayroon nang iba, at ako hindi pa rin makaahon.
Ang dami ko pa din tanong sa isip ko,
Kagaya ng ano pa ang pagkukulang ko?
O sadyang hindi ka marunong makuntento?

Minsan ay hindi ko maiwasang isipin na ako ang may kasalanan kung bakit mo ako iniwan,
Sa hanggang ngayong ‘di ko malaman na dahilan.
Gusto ko nang kalimutan yung sakit na nararamdaman,
Dahil masyado na ako binabalot ng kalungkutang dulot ng mapait na pinagsamahan.

Ang hirap mo kalimutan kasi kahit sa maiksing panahon lang nakita ko sa’yo yung kaligayahan,
Kaligayahang mauuwi lang pala sa kalungkutan at sa masakit na katapusan.