nais kong sumulat
di ko alam ang pamagat
nais ko munang marinig
maliliit na bulong at himig

sisimulan kung saan nagsimula
at kung saan may pag asa
may kislap sa kanyang mga mata
bawat ngiti’y nababalot ng tuwa at saya

isang dalaga na may taglay na ganda
tila ba isang anghel sa lupa
isang nangangarap na bulaklak
katuwang ang hampas at bagwis ng pakpak

siya ay may bulong at hiling kay Bathala
na sa pagdaan ng oras siya na ang bahala
at nagpapasalamat lagi siya ang kasama
isang dalaga
lumalaban at kumakapit sa kanyang pag asa