Isang Taon Para sa Tatlong Buwan
Categories Relationships

Isang Taon Para sa Tatlong Buwan

Alam mo yung feeling na akala mo nakamove on ka na?

3 months lang kami ng ex ko. Binlock niya ako. Wala akong naririnig sa kanya. Hindi ko rin siya nakikita. Dapat madali lang magmove on di ba? Pangatlong relasyon ko na yun. 3 at 4 na taon ang tagal nung mga nauna. Di naman ako natagalan sa pagmove on dati. Bakit ngayon, malapit nang mag isang taon, hindi pa rin ako nakakamove on sa 3-month relationship?

Well, akala ko nakamove on na ako pagkatapos ng ilang buwan. Hindi ko na siya iniisip. Napatawad ko na siya. Kaya nakipagdate ulit ako. Pero iba pa rin yung feeling. Para bang pilit yung conversations namin. Medyo awkward pa rin kahit 3 months na kaming nagdedate. Hanggang sa napagkasunduan naming itigil na yun. Magkaibigan pa rin naman kami.

This month lang nalaman kong pumasa yung ex ko sa board exam. Isa yun sa mga dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay. Sobrang saya ko nun para sa kanya. Sinubukan kong kausapin siya para i-congratulate at sabihin kung gaano ako ka-proud para sa kanya. At baka pagkakataon na rin para magkabalikan kami. Pero hindi, wala akong natanggap na reply.

Hanggang ngayon, hindi lumilipas ang isang araw nang di ko siya naiisip. I miss her. Akala ko nakamove on na ako. Isang taon para sa tatlong buwan? Hirap.