Current Article:

ITO NA ANG HULING TULA NA ISUSULAT KO PARA SAYO

ITO NA ANG HULING TULA NA ISUSULAT KO PARA SAYO
Categories Poetry

ITO NA ANG HULING TULA NA ISUSULAT KO PARA SAYO

Gusto ko lang palabasin ang mga salita sa aking damdamin, para iyong intindihin ang aking mithiin at para iyo ring maramdaman ang mga sugal at paghihirap na ginawa ko para sayo ngunit mauuwi din pala sa ganito. Gusto kong magsimula sa umpisa gusto kong magsimula sa umpisa kung saan ikaw ay una kong namataan na ako’y napatitig saiyong mga ngiti at napagmasdan ko na napakaganda pala ng iyong mga mata, at ng ako’y iyong tinitigan ako’y napaiwas at lumingon sa harapan, at naalala ko pa noong ako’y iyog nilapitan at niyakap ng mahigpit at nung sinabi mo na ako’y mahal mo na para akong mapapatalon sa sobrang saya, ngunit ngayon ako’y nasasaktan at kahit anong pilit ko mang limutan ang mga pangyayari at pagsasama na ating naranasan di ko parin ito kayang iwan, pero tandaan mo, ITO NA ANG HULING TULA NA ISUSULAT KO PARA SAYO. Gusto kong maramdaman mo, gusto ko sabihin mo na mali ang ginawa mo na iwanan ako, yun ang gusto ko dati pero ngayon ito’y napaiba, gusto kong sabihin mo na ako’y hindi na mahalaga, mahal, gusto kong sabihin mo na ako’y hindi na talaga mahalaga, gusto kong ako’y iyong ibalewala, mahal, gusto kong ako’y kalimutan mo na, kalimutan mo na, mahal, sabihin mo na wala na, na wala na, na nawala na ang lahat, na ang lahat ng iyon ay panaginip na lang, na ang lahat ng iyon ay puro lamang kabulaanan, na ang lahat ng iyon ay wala na, wala na, nawala na talaga.

Gusto ko lang sabihin na ayaw ko na maging mahalaga, ayaw ko na maging katulad ng iyong salamin na matagal mo nang pag-aari at tinititigan mo lang para mapa-alala sa sarili mo na maganda ka, ayaw ko na maging mahalaga hindi ako katulad ng cellphone mo na dudukutin mo lang sa bulsa kapag naghahanap ka ng koneksiyon sa mundo mong masaydo nang malawak para bigyang atensyon, dahil ayaw ko na maging mahalaga, hindi ako kuwintas na isusuot mo lang sa mga pili-piling okasyon kapag merong mga sitwasyon na pakiramdam mo ay kulang ka pa, ayaw ko na maging mahalaga, hindi ako bagay na ibabalik mo lang sa kahon at itatago sa aparador sa sobrang takot na ako’y mawala, mahal, ayaw ko na maging mahalaga, hindi ko na gusto maging katulad sa kape na balanse ang tamis at pait, na sa sobrang halaga ng init ay iniiwasan mo itong manlamig, mahal, ayaw ko na maging mahalaga, mahal sa totoo lang ayaw ko na talaga maging mahalaga, ayaw ko na ring mahalin mo ako tulad ng bag mo na kabisado mo na kung para saan ang ano, kabisado kung para saan ang alin, kabisado kung saan ang iyong patalim, silbi, dumi at lihim, patalim, silbi, dumi at lihim. Ayaw ko nang mahalin mo ako gaya ng unan mo sa gabi na niyayakap mo sa ginhawa na sinasandalan mo kahit mainit binubulungan mo ng iyong mga pinakatinatagong panaginip at lihim, ayaw ko ng mahalin mo pa ayaw ko na maging mahalaga, ako’y nagsulat nito para iyong maalala at kahit ilang luha ang pumatak na kahit ilang talata, kahit ilang pagkakamali, kahit ilang papel na ang naubos ko gusto ko paring ipaabot sayo ang patawad ko na ito, dahil ITO NA ANG HULING TULA NA ISUSULAT KO PARA SAYO.

Hihingi ako ng patawad sayo sa lahat-lahat dahil minsan may nakapagsabi saakin na ang taong hindi marunong magpatawad ay hindi rin mapapatawad, kaya mahal sa pagkakataong ito sa huling pagkakataong ito nagsulat ako ng tula para sayo, kaya gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita at patatawarin mo rin ako, patawarin mo ako sa hindi ko pag tahan at patatawarin din kita sa hindi mo pagluha, patawarin mo ako sa hindi ko pananahimik at patatawarin din kita sa hindi mo pagsasalita, patawarin mo ako sa hindi ko pag-alis at patatawarin din kita sa hindi mo pananatili, patawarin mo ako sa hindi ko paglimot at patatawarin din kita sa hindi mo pag-pilit sa akin, mahal, gumawa tayo ng kasunduan, patawarin mo ako at patatawarin din kita, patawarin mo ako sa aking pag-bitiw at patatawarin kita sa hindi mo pagkapit, patawarin mo ako sa hindi ko paglayo at patatawarin din kita sa hindi mo paglapit, patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko at patatawarin din kita sa hindi mo pagsugal, at patawarin mo ako sa hindi ko pagtigil sa nararamdaman ko at patatawarin din kita sa hindi mo pagmahal sa akin, mahal, gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita at patatawarin mo rin ako para sa wakas ay matapos na itong tula na masyado ng mahaba at masyado ng matagal na nakatira dito sa aking puso, patawad kung masyado itong mahaba at walang kwentang salita, huli na to huli na talaga to.

Mag-uumpisa muli ako sa simula, sa paaralan kung saan una kitang namataan at ako rin ay iyong tinitigan, magsisimula muli ako sa umpisa noong tinitigan kita, magsisimula muli ako sa umpisa, magsisimula muli ako, magsisimula… Dahil, ITO NA ANG HULING TULA NA ISUSULAT KO PARA SAYO, ay mali nagkamali ako, ITO NA ANG HULING TULA NA ISINULAT KO PARA SAYO, YUN NA TAPOS NA AKO!