It’s not real love. It’s Toxic Love.

 

Kung pagod ka na, bibitaw ka ba? Isusuko mo nga ba ang pagmamahal na ilang taon bago mo nabuo? Tatalikuran mo nga ba lahat ng bagay na dating inilaban mo?

“Syempre, hindi. Sayang e. Sayang ang lahat ng pinaghirapan, pinagsamahan at higit sa lahat…

sayang kami.”

At sa desisyong ‘yan, nauubos ka. Sa pagpili mo ng relasyong pinanghihinayangan mo, pinili mo ring talikuran ang sarili mo. Buo kayo, pero wasak ka na. (Sa sarili mo, friend, nanghinayang ka ba?)

Hindi na siya healthy para sa’yo, para sa kanya at maaaring para sa mga taong nasa paligid ninyo. Lalo na kung akala mo inilalaban mo, yun pala, ipinipilit mo lang.

“Mabait siya. Mabuti siyang tao.”

                Hindi lahat ng mga mabubuting tao ay mabubuti ring karelasyon. Tapos akala mo, masaya pa siya, ‘yun pala, kating kati na siyang bumitaw, hindi niya lang alam papaano. (Kasi nga, mabait siya, friend! Ayaw ka lang niyang masaktan)

“Mahal namin ang isa’t isa.”

It’s not Real Love, it is Toxic Love. Maraming nasirang relasyon ang makapagsasabing hindi sapat ang pagmamahal para manatili. You have to accept the reality that someone can love you and may still not be the right one for you.

Toxic love comes with so much unreasonable pain. Its intensity consumes you. So, if the magnitude of pain demands to lose yourself in the process of loving the person, WALK AWAY!

Bago ka pa tuluyang maubos, bitaw.

Mahal mo, mahal ka, pero, hindi kayo para sa isa’t isa. Bitiwan mo na.

Exit mobile version