Just A Dream
Categories Poetry

Just A Dream

Sa bawat pagpatak ng aking luha,
Lungkot at bigo ang aking nadarama.
Sa bawat pagtawa,
May kapalit na lungkot na tila ba’y sumpa.

Palaging sumasagi aking isipan,
Wala ba akong karapatang maging masaya kahit minsan lang?
Sabagay, sanay na ako.
Hindi na ito bago.

Lungkot, pighati, at pagod ang laging ikot ng aking buhay
Hanggang sa may dumating na ikaw.
Ikaw na nagbigay ilaw sa madilim na buhay,
At ang dating matamlay ngayon ay naging buhay

Ikaw ang naging inspirasyon sa lahat,
Nang dahil sayo pagmamahal sa aking katawan ay kumakalat.
Ako’y nagpapasalamat,
Dahil itong babae ay hindi katanggap-tanggap, pero iyong tinanggap.

Ang saya ko,
Ngayon ko lang naranasan ang mga ito.
Naging prinsesa ako,
Sa isang prinsipeng maginoo.

Hanggang sa dumilat ang aking mata,
Napaiyak na lamang ako bigla.
Ako pala’y nakaidlip sa pagod at lungkot na nadarama,
Lahat ng iyon, panaganip lang pala.