Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Ako, ito, dito.
Sa tagpuan nang ‘di mawaring dako.
Sa lokasyon nang ‘di mawaring anggulo.
Itutuwid na ang liko.
Maninindigan na’t hindi magtatago.
Para na rin matigil ang gulo,
Mahal, lalaban ako.
Pero hindiā¦ Para sa’yo.
Away-bati.
Buo, kalahati.
Okay tayo tapos maya-maya hindi.
Ang gulo lang!
Ang hirap umintindi.
‘Yung hindi naman tama pero pinipilit na lang natin na ngumiti.
‘Yung mga bagay kase na hindi naman big deal, pilit mo pang pinapalaki.
Oo babae ka, gaya ng lagi mong sinasabi, dapat iniintindi kita.
At oo rin lalake nga ako, gaya naman ng lagi ‘kong ginagawa, iniintindi kita ah.
Pero relasyon kase ‘to, ‘di ba?
Hindi ‘to gagano kung ako lang mag-isa.
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
Hindi ako manghuhula.
May mga bagay na dapat alam ko na.
Pero may mga bagay rin naman na dapat sinasabi mo na.
Kase gaya nito, okay naman,
Tapos bigla kang hindi mamamansin na para bang may ginawa akong kasalanan!
Pero, mahal kita e. Kaya nanatili ako sa’yo.
Kaya tinatanong mo kung bakit ngayon ko pa ba isusuko?
Kung ititigil ko na nga ba ito?
Siguro, oo.
Pasensya na, ako’y napagod na.
Mahal kita. Pero sawa na ‘ko.
Dapat nagi-intindihan, dapat nag-uunawaan.
At ‘yun na nga ang dahilan,
Dahil hindi kita maintindihan,
Sarili’y bibigyang kahalagahan.
Dahil masyado ko nang binaba ‘yung sarili ko sa relasyong hindi mo rin naman malaman.
Hindi mawari kung anong patutunguhan.
Puro iyakan kase tawanan.
Puro ka pagdududa tapos mauuwi sa alitan.
At pagkatapos nang lahat, bakit parang ako lang ‘yung nahihirapan?
Matuturing mo ba ‘tong isang Pagmamahalan?
Kung isa’t-isa’y patuloy lang nating nasasaktan.
Kaya, oo.
Lalaban ako.
Pero muli, hindi na para sa’yo.
Kaya sa huling sandali,
Bago ko bigkasin ang hanggang sa muli,
Ikaw ay muling hahagkan,
Upang sabihing paalam.
Dito, sa tagpuan nang ‘di mawaring dako,
Sa lokasyon, nang ‘di mawaring anggulo.
Hindi na kailangan pang maging malakas,
Sa pag-iibigang magwawakas.
Mahal, Ipaglalaban kong, Isuko ka na.