Alam mo bang mahal pa rin kita?
Kahit may iba ka na, ikaw pa rin sinta.
Ilang patak pa ba ng luha?
Ilang umaga pa bang tutulala?
Ang sakit sakit na pero ikaw pa rin talaga.
Masaya ka na sa kaniya,
nakikita ko sayong mga mata.
Paano ba maging masaya para sa inyong dalawa?
Gusto ko nang kalimutan ka
Ngunit paano nga ba?
Paano nga ba gayong mahal na mahal pa rin kita?
Di pa rin kayang tumingin sa iba
Ikaw lang ang gustong tignan ng mga mata
Gusto kong bumalik ka
Pero mas mahalaga sakin na ikaw ay masaya
Hihintayin pa rin kita
Kahit alam kong imposible na
Wala eh, pasensiya na tanga
Mahal na mahal kasi kita.